Wednesday, August 28, 2019

Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino


            Bawat bansa ay may sariling wika na kanilang ipinagmamalaki at ginagamit araw-araw.  Filipino ang ating wikang pambansa na siyang araw-araw nating ginagamit at ito ang nagiging instrumento para tayong mga Pilipino ay magkaisa, magkaintindihan at magkaunawaan.
            Ayon sa ating pambansang bayani na si Dr.  Jose Rizal, “Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.”  Bawat Pilipino ay kailangang pahalagahan ang sariling wika dahil tayo ay iisa.  Tunay ngang napakaganda ng ating wika at kultura na maaari nating maipagmalaki sa iba.  Napakaganda at napakasayang tingnan kung bawat isa sa atin ay nagkakaunawaan.  Ngunit iilan na lamang sa atin ang gumagamit sa wikang Filipino.  Nakakalungkot isipin dahil unti-unti nang lumiliit ang bilang ng mga Pilipino na gumagamit sa sarili nating wika.  Gayunpaman, nakakamangha ring tingnan at dinggin dahil sa iilan sa ating kapwa ay nananagalog.  Kung walang wika, paano tayo magkakaintindihan?

            Sa buwan ng Agosto ipinagdidiriwang ang Buwan ng Wika ngunit hindi lang dapat sa Agosto ito ipinagdiriwang kundi sa pang-araw-araw natin ito ipagmalaki at ipagdiwang.  Isapuso natin na tayo ay mga Pilipino at tayo ay iisa.  Kung saan ka man mapadpad, huwag ikahiya ang sariling atin.  Huwag ikahiya ang sariling wika at kultura bagkus, ito ay ating ipagmalaki at pagyamanin.






References:
http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wikang-pambansa-2019-2/
https://themscianscom.wordpress.com/2018/09/18/wikang-filipino-daan-sa-pagkakaisa-at-pag-unlad-ng-bansa/

No comments:

Post a Comment