
Ayon sa ating pambansang bayani na
si Dr. Jose Rizal, “Ang hindi marunong
magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.” Bawat Pilipino ay kailangang pahalagahan ang
sariling wika dahil tayo ay iisa. Tunay ngang
napakaganda ng ating wika at kultura na maaari nating maipagmalaki sa
iba. Napakaganda at napakasayang tingnan
kung bawat isa sa atin ay nagkakaunawaan.
Ngunit iilan na lamang sa atin ang gumagamit sa wikang Filipino. Nakakalungkot isipin dahil unti-unti nang
lumiliit ang bilang ng mga Pilipino na gumagamit sa sarili nating wika. Gayunpaman, nakakamangha ring tingnan at
dinggin dahil sa iilan sa ating kapwa ay nananagalog. Kung walang wika, paano tayo
magkakaintindihan?
Sa buwan ng Agosto ipinagdidiriwang
ang Buwan ng Wika ngunit hindi lang dapat sa Agosto ito ipinagdiriwang kundi sa
pang-araw-araw natin ito ipagmalaki at ipagdiwang. Isapuso natin na tayo ay mga Pilipino at tayo
ay iisa. Kung saan ka man mapadpad,
huwag ikahiya ang sariling atin. Huwag
ikahiya ang sariling wika at kultura bagkus, ito ay ating ipagmalaki at pagyamanin.
References:
http://kwf.gov.ph/buwan-ng-wikang-pambansa-2019-2/
https://themscianscom.wordpress.com/2018/09/18/wikang-filipino-daan-sa-pagkakaisa-at-pag-unlad-ng-bansa/